Saturday Night Joke Time | Day to Day Headaches


Saturday, July 9, 2016

Saturday Night Joke Time : Cold Evening (July 9, 2016)

"Nanay"

MISIS: Honey, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay!

MISTER: Talaga honey? Magiging daddy na ako?

MISIS: Hindi pa, dito na titira nanay ko!




"Doctor"

JUAN: Pare nasaksak ako! Mauubusan na ako ng dugo! Please call me a doctor, call me a doctor!

PEDRO: Ok, YOU'RE A DOCTOR! DOKTOR KA Juan!





"GirlFriend"

GF:  Binabalaan kita, malapit nang dumating ang Daddy ko!

BF:  Ha, e wala naman akong ginawang masama ah?

GF:  Oo nga, kaya kung may binabalak ka gawin mo na.



"Asawa"

JUAN:  Oy, pwede raw magsama ng asawa sa company picnic natin.

PEDRO:  Wala ka namang asawa ah?

JUAN:  E, di isasama ko yung asawa ng kumpare ko.


"Misis"

JUAN:  Nang girlfriend ko pa lang ang misis ko ang tawag ko sa kanya ay
Darna dahil seksi sya. Ngayon ang tawag ko sa kanya ay Dorna.

PEDRO:  Bakit Dorna?

JUAN:  Kasing lapad na sya ng DOOR NAmin.


That's all for today, Thank you

No comments:

Post a Comment