Saturday Night Joke Time | Day to Day Headaches


Saturday, September 3, 2016

Saturday Night Joke Time : Cold Evening (September 3, 2016)

Hi, Welcome to Saturday Night Joke time and we have a cold, Saturday evening today but, that won't keep us from delivering the jokes we gather for this week. 


Eyeball

Isang araw may isang lalake at babae na napagkasunduang makipagkita dahil sa silay matagal ng magtext mate.

BABAE : Magsusuot ako ng blue. 
LALAKE : Magsusuot ako ng green.

Dumating ang Babae sa lugar na kanilang napagkasunduan magkita ngunit wala siyang nakitang naka Blue, pero merong lalake na naka red.

BABAE : Hello, ikaw ba yung text mate ko?
LALAKE : ANO? HINDI AH, NAKA BLUE BAKO?



Robot

May robot na naimbento ang mga sayantipiko na magaling manghuli ng magnanakaw.

Dinala ito sa Spain at sa loob ng 1 oras nakahuli ng 15 na magnanakaw.

Dinala sa Amerika at sa loob ng kalahating oras ay nakahuli na ito ng 50 na magnanakaw.

Ngunit ng dinala sa Pilipinas pagkalipas ng isang minuto eh wala na yung robot.




Namalengke si Nanay

Isang araw dinalaw ng Anak ang tatay niya sa kulungan

TATAY : Anak bakit di mo kasama ang nanay mo?

ANAK : Eh, nagmamadali pong umalis kanina namalengke po.

TATAY : Aba, may san galing ang pera ng nanay mo?

ANAK : Sa pulis po itay, pabuya daw po sa pagkakadakip mo!.




LOLA 

LOLA 1 : Aba, kumare ang ganda pa rin pala ng ipon mo.

LOLA 2 : Bakit naman kumare?

LOLA 1 : Parang komputer may windows.

LOLA 2 : Yung sayo din kumare parang pagsusulit.

LOLA 1 : Bakit naman kumare?

LOLA 2 : Fill in the blanks.



LOLO

JUAN : Mga pare alam niyo ba yung lolo ko, sa sobrang lakas pa eh sumale ng marathon nakatakbo ng 5kilometro sa loob ng Kalahating oras!

PEDRO : Wala yan sa lolo ko pare, Yung lolo ko sumali ren sa kalahating oras Nakatakbo ng 10 Kilometro pare!

PIDRING : Wala yang mga lolo niyo pare!, Yung lolo ko sa kalahating oras natapos yung isang kilometro na paligsahan.

JUAN : Ahahaha, eh wala pala yang lolo mo eh 1 kilometro kalahating oras!

PIDRING : Eh di naman siya tumakbo, Gumapang lang yun!



Kung may gusto kayong sabihin o mga birong tagalog na gusto niyong ipamahagi mag pasa lang ng mensahe o magkomento sa aming blog saturdaynightjoketime.blogspot.com. 

No comments:

Post a Comment